UNANG BATCH NG BINILING COVID-19 VACCINES NG PAMAHALAAN NASA BANSA NA

Ni Raiza F. Cabugwang
Photo courtesy of pna.gov.ph
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Dumating na sa bansa nitong Lunes, Marso 29, 2021, ang unang batch ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccines na binili ng pamahalaan.

Ang naturang batch ay naglalaman ng isang milyong doses ng CoronaVac vaccines na binuo ng Chinese manufacturer na Sinovac Biotech. Nagkakahalaga ito ng P700 milyon.

Sinalubong ni Pangulong Rodrigo Duterte, kasama sina  Senator Bong Go, Department of Health (DOH) Secretary Francisco T. Duque III, National Task Force (NTF) Against COVID-19 Chief Implementer at Vaccine Czar Secretary Carlito G. Galvez Jr., at Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian ang pagdating ng nasabing mga bakuna sa Villamor Airbase sa Pasay City.

Ani Secretary Galvez, isang magandang balita ang pagdating sa bansa ng pinakaunang mga bakunang nabili ng pamahalaan.

“The arrival of these vaccines is great news as we are beginning to see the fruits of our negotiation efforts after months of hard work to provide vaccines for our people. This is but the first of the many other doses we have negotiated in order to achieve our goal of herd immunity,” pahayag ng Vaccine Czar ng bansa.

Sinabi naman ni Health Secretary Duque na ang pagdating ng nasabing mga bakuna ay nangangahulugang mas maraming mamamayan ang mababakunahan laban sa virus.

“The arrival of these vaccines is very timely. As we finish vaccinating healthcare frontliners, we will be able to use this new batch of purchased CoronaVac vaccines to extend vaccination to vulnerable Filipinos or those with pre-existing conditions and comorbidities who are at most risk of severe COVID-19 and highest chance of dying. This is most crucial especially now that NCR+ or the Greater Manila Area is experiencing a surge,” saad ng Kalihim.

Ibinahagi ni Department of National Defense Secretary Delfin Lorenzana, na kasalukuyang chairman ng NTF, na ang dumating na suplay ng mga bakuna ay ipamamahagi sa mga lugar na sakop ng NCR Plus bubble, o ang Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal, na may mataas na kaso ng COVID-19, base na rin sa mungkahi ni Vaccine Czar Carlito Galvez, Jr.

Sa kasalukuyan ay umabot na sa 2,525,600 doses ang kabuuang suplay ng bakuna sa bansa.

Ayon pa kay Secretary Galvez, nasa 25 milyong doses ng bakuna ang nabili ng pamahalaan mula sa Sinovac. Sa kabuuang bilang na ito, 1.5 milyong doses ang nakatakdang dumating sa bansa sa Abril, na susundan naman ng karagdagang dalawang milyong doses sa Mayo; 4.5 milyong doses sa Hunyo; hanggang sa tuluyan nang maihatid sa bansa ang natitira pang biniling doses ng bakuna pagsapit ng Disyembre ng taong ito.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.