UNANG BATCH NG SINOVAC VACCINE DARATING NA NGAYONG LINGGO AYON SA PALASYO

Ni Monica N. Ladisla
Source: PNA
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Nakatakdang dumating sa bansa ngayong Linggo ang unang batch ng COVID-19 vaccines mula sa Sinovac Biotech, ayon sa Palasyo.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, inaasahang 600,000 doses ng bakuna ang darating sa bansa sa loob ng tatlong araw.

“Tatlong tulog na lang po, parating na ang bakuna, inaasahang itong darating na Linggo, ang Sinovac. Kaya po excited na tayong lahat,” pahayag ni Sec. Roque.

Kinumpirma rin ito ni Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian at aniya, patuloy ang pakikipag-ugnayan ng dalawang bansa upang mapabilis ang prosesong ito.

“It is a fine tradition between China and the Philippines to help each other in trying times. A friend in need is a friend indeed,” pahayag ni Chinese Ambassador Xilian.

Dagdag pa niya, “The donation of vaccines is another testament to the solidarity as well as profound friendship and partnership between our two peoples and two countries.”

Samantala, sasalubong sa pagdating ng mga bakuna ngayong Linggo ang ilang opisyal ng gobyerno gayundin si Pangulong Rodrigo Duterte upang personal na tanggapin ang mga ito.

Kaugnay nito, iginiit ng Palasyo na prayoridad na mabakunahan ang health workers maging anuman ang piliin nilang brand ng bakuna.

Sapat na umano ang 600,000 doses ng bakuna para sa 250,000 health workers at 50,000 na sundalo.

“If they want it, they will still have the priority. If they don’t want it, they will still have the priority kung dumating ‘yung ibang brands,” ani Sec. Roque.

Aabutin umano ng dalawa hanggang tatlo araw matapos dumating ng bakuna sa bansa bago opisyal na magsimula ang vaccine rollout sa bansa, ayon kay Vaccine Czar Carlito Galvez, Jr.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.