Unified curfew ipatutupad sa Metro Manila sa gitna ng GCQ

Ni Monica Ladisla
(PNA photo by Joey Razon)

Bagama’t bumalik na sa General Community Quarantine ang Metro Manila, iginiit ng Palasyo na ipatutupad ng mga lokal na pamahalaan ang unified curfew matapos maaprubahan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases ang hiling ng mga alkalde para ipatupad ito.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, nagkaisa ang mga city mayor na ibalik ang paggamit ng quarantine passes at ipatupad ang 8:00 p.m. hanggang 5:00 a.m. unified curfew sa National Capital Region.

“We considered the recommendations of the mayors to actually impose a stricter GCQ because when we consulted the mayors, they were in agreement that it should be GCQ, but it should also be a strict type,” pahayag ni Sec. Roque.

Subalit agad naming nilinaw ni Sec. Roque na hindi muna ipatutupad sa Manila, Muntinlupa, at Pasig ang naturang curfew na nagsimula nitong Miyerkules sapagkat kailangan pang amyendahan ang kanilang city ordinance para sa pagbabagong ito.

Gayunpaman, idinetalye ni Sec. Roque na mananatili pa rin ang striktong pagpapatupad ng health protocols kahit pa balik-GCQ na ang Metro Manila. Dagdag pa niya, mas magiging agresibo rin ang gobyerno sa implementasyon ng localized at granular lockdowns alinsunod sa mas pinaigting na istratehiya ng pamahalaan kontra COVID-19.

Suspendido pa rin ang pagbubukas ng mga internet shops, gyms, review and tutorial centers gayundin ang drive-in cinemas at pet grooming services. Maaaring magbukas ang mga restaurants at salon, subalit nakasalalay sa lokal na pamahalaan ang pagtukoy sa operational capacity ng mga ito.

Paliwanag ni Trade Secretary Ramon Lopez, nais ng pamahalaan na maging gradual ang pagbubukas ng ekonomiya kaya’t suspendido muna sa ngayon ang pagbubukas ng ilang establisyimento.

“The reopening of the last batch of sectors like gyms, review centers, internet cafes will be postponed until Aug. 31, following the principle of gradual reopening from MECQ to GCQ,” ani Sec. Lopez.

Sa kabila nito, mariin pa rin ang paalala ni Sec. Lopez sa pagsunod sa itinakdang health and safety protocols upang mapigilan ang pagkalat ng virus.

“Our constant reminder to our fellow citizens is for their increased consciousness and awareness in order to strengthen the compliance of the workplace prevention protocols. If we strictly follow these guidelines per person, per company, per city, the health numbers improve. But it is very important to keep the discipline because if we don’t, the numbers will go up again”, paalala ni Sec. Lopez.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.