URBAN FARMING, DAGDAG FOOD SECURITY — TESDA

Ni Ivy Atompag
Photo: PACC
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Pormal nang pinirmahan kaninang umaga ng mga kinatawan ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at OMA Farming School Corporation ang Memorandum of Agreement na maglulunsad sa Garden Urban Farming School na may layong turuan at hasain ang mga kabataang iskolar ng programa sa pagtatanim at agrikultura.

Sa kaniyang mensahe, binigyang diin ni TESDA Director General Isidro Lapeña ang kahalagahan ng pagkakaroon ng food security sa bansa at ang papel ng urban agriculture upang makamit ito.

“I feel very strongly that we have to do something when it comes to food security, that we become self-sufficient,” sabi niya.

Dinaluhan ang pagtitipon ng ilang opisyal ng gobyerno tulad nina Presidential Anti-Corruption Commission Commissioner Greco Belgica at Senator Cristopher Lawrence “Bong” Go.

Dagdag pa ni Lapeña, ang pagkakaroon ng sapat na suplay ng pagkain ay hindi lamang responsibilidad ng mga lugar at rehiyon na may malalawak na sakahan at taniman kung kaya’t ang mga taga-lungsod ay hinihikayat ding matututunan ang konsepto ng urban agriculture lalo na sa panahon ng pandemya. 

“Food sufficiency is a concern not only of the country’s agriculture areas and rice producing regions. This is a cause of concern of all areas, including urbanized cities especially now that we are facing a pandemic,” saad niya.

Sa ilalim ng proyekto, magkakaroon ng 100 na iskolar na karamihan ay mga miyembro ng Sangguniang Kabataan na tuturuan at hahasain sa urban farming. Ang mga iskolar ay makatatanggap ng free assessment, training support fund, one-year accident insurance coverage, internet allowance, at personal protective equipment allowance.

Inaasahang sisimulan agad ang joint project na ito ng TESDA at OMA Farming School Corporation.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.