VACCINE CZAR: ‘GOBYERNO NAKATIPID NG $700M SA NEGOSASYON PARA SA MGA BAKUNA KONTRA COVID-19’

Ni Raiza F. Cabugwang
Photo courtesy of pna.gov.ph
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Ayon kay Vaccine Czar Carlito Galvez, Jr., nakatipid ang pamahalaan ng umabot sa $700 milyon sa pakikipagnegosasyon upang masiguro ang suplay ng milyun-milyong doses ng bakuna laban sa COVID-19.

Sa pakikipagpulong nito kay Pangulong Rodrigo Duterte at iba pang miyembro ng gabinete, sinabi ng Kalihim na dahil sa kanilang pakikipagnegosasyon, umabot na sa 148 milyong doses ng bakuna ang siguradong makukuha ng bansa, mula sa orihinal na 70 milyong doses. 

“Maipapangako ko po sa ating mga mahal na kababayan na ang lahat ng mga negosasyon at cost, meaning, almost no profit. And then noong kinompute ko po lahat ‘yong ano, ‘yong mga brands, lumalabas po na naka-save po tayo ng 700 million dollars. ‘Yong kanyang offer price, naibaba po natin nang halos kalahati. So, kaya po ang nangyari po, iyong dati po natin, ‘yong plano po namin ni Secretary Duque na 70 million doses umangat po, Mr. President, ng 148 million doses,” pahayag ni Galvez.

Pinabulaanan din ni Galvez ang mga alegasyon tungkol sa umano’y iregularidad sa pagbili ng nasabing mga bakuna, at iginiit na malinis ang ginawang kasunduan ng pamahalaan sa mga kumpanyang responsable sa pagbuo ng mga bakuna laban sa naturang virus.

“‘Yong deal po natin, talaga pong sinasabi po natin sa ating mga tao, sa ating mamamayan na malinis po ‘yong deal natin. At saka po, totoo po kayo na wala po akong hawak na pera,” pagsiguro ng Kalihim.

Sa ngayon ay hindi muna aniya maibabahagi ang eksaktong presyo ng mga bakuna alinsunod sa non-disclosure agreement na kaniyang nilagdaan sa inisyal na supply deal.

“Anything that you will disclose even when in public, and even in the executive session, they have to follow ‘yong CDA [Confidential Disclosure Agreement]. Unless, they also have to sign the CDA with us,” saad aniya ng manufacturers ng mga bakuna.

Gayunpaman, ibinahagi ng Vaccine Czar na makukuha sa mas mababang halaga ang mga bakuna kung bibilhin ang mga ito nang maramihan o kung ang isang bansa ay may sariling filling station o manufacturing site para sa vaccines. 

Maaari rin aniyang bumaba ang presyo ng nasabing bakuna kung direktang kukunin ang suplay ng vaccine mula sa bansang pinagmulan nito sa halip na magbayad pa para maipadala ito papasok ng Pilipinas.

“Katulad po ng Sinovac, in-offer-an po tayo ng filling station. ‘Pagka filling station po, kalahati po dapat ang babayaran lang natin dahil tayo po ang magfi-finish. Raw materials dadalhin dito, tayo na po ang magfi-filling station,” paliwanag ni Galvez.

Sa kasalukuyan, nakakuha na ang bansa ng 25 milyong doses ng bakuna mula sa Sinovac Biotech ng bansang China, at 50,000 rito ay darating na sa bansa sa susunod na buwan. 

Tiyak na rin ang suplay sa bansa ng 30 milyong doses ng Covavax mula sa Serum Institute of India. Nasa 17 milyong doses naman ng bakuna mula sa kumpanyang AstraZeneca ng United Kingdom ang nabili na rin ng bansa sa pamamagitan ng kasunduan kasama ang pribadong sektor at local government units. 

Plano ng pamahalaan na unang mabakunahan ang medical frontliners, mga mahihirap at miyembro ng vulnerable sector ng lipunan, at mga sundalo at kapulisan.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.