VACCINE CZAR: ‘PINAS HANDANG MAGLABAS NG MAS MALAKING PONDO PARA MAPABILIS ANG PAGDATING NG COVID-19 VACCINES SA BANSA’

Ni Raiza F. Cabugwang
Photo courtesy of pna.gov.ph
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Ayon kay Vaccine Czar Carlito Galvez, Jr., handang maglabas ang pamahalaan ng mas malaking halaga para mapadali ang pagdating sa bansa ng mga doses ng bakuna laban sa COVID-19. 

“Dadagdagan po ‘yong prices para mapaaga po. Nagne-negotiate po tayo, kahit mapamahal nang kaunti, na magkaroon ng early delivery ng second and first quarters,” pahayag ni Galvez. 

Ayon pa sa Kalihim, inaasahang darating ang mas maraming suplay ng bakuna sa second half ng 2021.

Kabilang sa mga suplay ng bakuna na darating sa bansa bago sumapit ang katapusan ng Marso ay ang 600,000 doses ng COVID-19 vaccine mula sa Sinovac na ibibigay ng bansang China, 3.5 milyong doses mula sa Pfizer at AstraZeneca na manggagaling naman sa COVAX facility na pinangungunahan ng World Health Organization, at iba pang suplay ng bakuna na sinuguro na nang Department of Health. 

Sinabi rin ni Galvez na kasalukuyan nang isinasapinal ng pamahalaan ang vaccine supply agreement nito sa kumpanyang Moderna.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.