VACCINE CZAR: ‘SUPLAY NG COVID-19 VACCINES SA BANSA, TATAAS PAGSAPIT NG MAYO, HUNYO’

Ni Raiza F. Cabugwang
Photo courtesy of pna.gov.ph, Vaccine Czar Carlito Galvez Jr.
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

“Magkakaroon po tayo ng tinatawag na accelerated deliveries this coming May and June. This coming May, baka magkakaroon po tayo ng 7-8 million. Inaantay lang natin, kasi na-delay po yung sa COVAX (Coronavirus disease 2019 Vaccines Global Access).”

Ito ang ibinalita ni Vaccine Czar Carlito Galvez, Jr. tungkol sa estado ng suplay ng COVID-19 vaccines sa bansa.

Kamakailan ay naging apektado ang produksyon ng COVID-19 vaccines bunsod ng pagtaas ng mga kaso ng virus sa mga lugar kung saan ginagawa ang mga bakuna, tulad ng India at Europa. 

“This coming June, medyo definitive na tayo na medyo malaki ang makukuha natin. More or less seven to 10 million (doses) ang makukuha natin,” pahayag ni Secretary Galvez.

Inaasahang magiging maayos nang muli ang produksyon ng mga bakuna pagsapit ng nasabing buwan.

“Ang best case scenario, by (the) end of July and August, meron na po tayong enough production,” saad ng Kalihim.

Ayon pa sa opisyal, kasalukuyan nang nakikipag-negosasyon ang bansa sa pitong vaccine suppliers, kasama na ang inaasahan nitong makukuhang anim hanggang 10 milyong doses ng bakuna mula sa kumpanyang Johnson and Johnson.

Ani Galvez, mula sa kabuuang 170 milyong doses ng bakuna na inaasahang matatanggap ng bansa, 18-23 milyon dito ang binili ng pampribadong sektor mula sa AstraZeneca, Moderna, at Novavax. 

Samantala, nakapagbigay na ang Food and Drug Administration ng bansa ng emergency use authorization para sa mga bakunang mula sa Pfizer, AstraZeneca, Sinovac, Gamaleya, Johnson and Johnson, at Bharat Biotech.

Inaasahan naman ang pagdating ng 500,000 doses ng Sputnik V vaccine mula sa Russia, at karagdagang 500,000 doses ng Sinovac vaccine mula China bago matapos ang buwang ito.

Sa kasalukuyan ay nakatanggap na ang bansa ng kabuuang 3.5 milyong doses ng COVID-19 vaccines. Ang isang milyong doses mula sa bilang na ito ay ibinigay bilang donasyon ng China. Ang isang milyong doses pa mula sa nasabing kabuuang bilang ay binili naman ng bansa mula sa Sinovac. 

Nasa 525,600 doses naman ng AstraZeneca vaccines ang nanggaling sa COVAX facility na siyang nangangasiwa upang tiyaking pantay-pantay ang suplay ng bakuna sa lahat ng mga bansa sa mundo.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.