Vaccine information management system planong ilunsad bago matapos ang Abril — DICT

Ni Raiza F. Cabugwang
Photo courtesy of pna.gov.ph
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Layon ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na ilunsad ang vaccine information management system (VIMS) sa mga lokal na pamahalaan ng National Capital Region (NCR) bago matapos ang kasalukuyang buwan.

“Kasalukuyan po, ang binigay po sa aking deadline nila Secretary Charlie Galvez is bago matapos ang Abril, lahat ng mga LGUs (local government units) ng NCR, dapat na-roll out na sa maraming LGUs,” pahayag ni DICT Undersecretary Manny Caintic.

Plano namang ilunsad ang nasabing proyekto sa 1,700 pang LGUs sa bansa pagsapit ng Mayo.

Ang VIMS ay magsisilbing tanging lehitimong mapagkukunan ng impormasyon patungkol sa lahat ng mga hakbang na may kinalaman sa pagbabakuna kontra Coronavirus disease 2019 (COVID-19).

“Maaari rin po itong gamitin ng ating mga health professionals upang maisaayos ang aktuwal na pagbabakuna sa bakuna centers at maging ang mga LGUs upang magkaroon nang mas maayos na aksyon at polisiya ang mga ito sa kanilang mga vaccination progress,” dagdag pa ni Usec. Caintic.

Sa tulong ng VIMS, posible rin ang palitan ng mga mpormasyon at datos sa pagitan ng iba pang management systems, at ginagawan din ng paraan ng DICT na magamit ito kasabay ng kasalukuyang vaccine systems sa mga lokal na pamahalaan.

“Magsusumite ang mga LGU no’ng kanilang mga masterlist, iyong mga kandidatong babakunahan nang sa ganoon ma-fill-out na doon sa VIMS base. Para pagdating mo doon sa bakuna center, nandoon na ang datos mo. Hahanapin na lang, iki-click, lusot ka na sa dulo,” paliwanag ng opisyal ng DICT.

Katuwang ng Kagawaran sa paglulunsad ng naturang proyekto sa buong bansa ang Department of Science and Technology, Department of the Interior and Local Government, at Department of Health. Hangad din ng DICT na makakuha ng suporta mula sa ICT councils para sa pagsasanay ng mga indibidwal na mangangasiwa sa paggamit ng VIMS sa vaccination centers.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.