VACCINE STORAGE FACILITIES, PINAGHAHANDA SA NAKAAMBANG ROTATING POWER OUTAGE SA LUZON

Ni Monica N. Ladisla
Source: PNA
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Dapat na umanong maghanda ang mga cold storage facility sa Luzon sa nakaambang power outages na maaaring tumagal ng ilang araw, ayon sa Department of Energy.

Inaasahang magkakaroon ng power outage sa piling lugar sa Metro Manila, Isabela, Quezon, Camarines Sur, buong probinsya ng Quirino pati na rin sa siyudad ng Olongapo.

Tatagal ng isang oras ang naturang power outage bago ipatupad ng mga power distributor ang rotation.

Ani Energy Undersecretary William Fuentebella, kailangan umano itong gawin upang mabalanse ang suplay ng kuryente mula sa mga power plant.

Paalala ni Usec. Fuentebella, “All facilities that are storing vaccines should have their back up gen sets. We would like to call on our partner facilities to have that triple back up system. DOE should be properly informed how we can address any problems, as much as possible, immediately.” 

Nagsimulang ipatupad ang rotating power outages nitong Lunes ng hapon matapos bumaba sa 400 megawatts ang power reserves ng bansa bunsod ng high heat index na nagdulot ng pagtaas ng demand sa kuryente.  

Bukod pa sa high heat index, isa pang problemang kinakaharap ng DOE ang extension sa maintenance work at unscheduled outages sa iba’t ibang power plants sa Luzon.

Nakaapekto rin ang mababang gas suplay sa Malampaya na isa sa mga pinagkukunan ng suplay ng mga gas fired power plant sa Luzon.

Isinailalim sa yellow alert ang buong Luzon nitong Lunes, 11:00 a.m. at itinaas ito sa red alert pagsapit ng 1:00 p.m.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.