Pinabulaanan lang ngayong araw, Disyembre 28, ng Armed Forces of the Philipines (AFP) na may inaprubahang vaccine na ang liderato ng militar.
Sa inilabas na pahayag ni AFP Spokesperson Marine MGEN Edgard Arevalo, sinabi nitong wala pang sundalo ang nabakunahan ng anti-COVID-19 vaccine.
Sa kasalukuyan ay kumukuha pa ng detalye ang ahensya.
Pero malaki pa rin ang pasasalamat ng AFP kay Pangulong Rodrigo Duterte na kasama ang militar sa mga unang mabibigyan ng vaccine bilang mga frontliner laban sa pandemya.
Siniguro rin ng Spokesperson na tutulong ang sandatahan sa pamamahagi ng vaccine sa publiko.