Asahan na simula alas-diyes ng gabi, Agosto 25, hanggang alas-kwatro ng madaling araw, Agosto 26, ang water service interruption sa 105 barangay sa Maynila, Makati, at Mandaluyong dulot ng leak repairs ng Manila Water sa New Panaderos Sta. Ana, Maynila bilang preparasyon sa isang malakihang pipe interconnection.
Sa 105 barangay, tinatayang 47,204 sambahayan at komersyal na establisyimento ang apektado ng water service interruption.
Sa Maynila, apektado ang 94 barangay kabilang na ang 763, 764, 765, 766, 767, 768, 769, 770, 771, 772, 773, 774, 775, 776, 777, 778, 779, 780, 781, 782, 783, 784, 785, 786, 787, 788, 789, 790, 791, 792, 793, 794, 795, 796, 797, 798, 799, 800, 801, 802, 803, 804, 805, 806, 807, 808, 809, 810, 811, 812, 813, 814, 815, 816, 817, 818, 818-A, 819, 820, 866, 869, 873, 874, 875, 876, 877, 878, 879, 880, 881, 882, 883, 884, 885, 886, 887, 888, 889, 890, 891, 892, 893, 894, 895, 896, 897, 898, 899, 900, 901, 902, 903, 904, at 905.
Sa Makati, 8 barangay naman ang maaapektuhan kabilang na ang Poblacion, Valenzuela, Olympia, Carmona, Kasilawan, Tejeros, Singkamas, at Sta. Cruz.
Sa Mandaluyong, 3 barangay ang makararanas ng water service interruption kabilang na ang Mabini-J. Rizal, Namayan, at Vergara.
Pinaaalalahan ng Manila Water ang mga residenteng mag-imbak ng sapat na tubig at maglaan ng ilang minuto matapos magbalik ang serbisyo bago ito gamitin.