124 TONELADANG BASURA NAKOLEKTA NG DENR MULA SA MGA TRASH TRAPS SA CENTRAL LUZON

Ni Ivy Atompag
Photo: PNA
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Mahigit 124 toneladang basura ang nakolekta mula sa 125 floating trash trap na in-install sa mga ilog at sapa sa Bataan, Bulacan, at Pampanga ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) bilang tulong sa paglilinis sa Manila Bay mula noong nakaraang taon. 

Sinabi ni DENR-Central Luzon executive director Paquito Moreno, Jr. na ang mga trash trap ay madiskarteng in-install sa mga ilog at sapa upang bawasan ang dami ng solid wastes na direktang dumadaloy sa malaking bahagi ng Manila Bay. 

“In addition to our cleanup efforts, we heighten our efforts to curb wastes and floating debris in our local waterways by putting up these recyclable trash traps,” saad niya sa isang social media post. 

Ang mga trash trap ay gawa sa mga niresiklong materyales gaya ng plastic at mga fishing gear na may sukat na 30 hanggang 100 metro. 

Ayon kay Moreno, ang nasabing istratehiya ay nakatulong upang mabawasan ang dami ng plastic na basura sa mga katawang tubig at mapigilan din ang ang pagpasok ng basura sa mga waterway na nagdudulot ng polusyon.

Siniguro din niya sa publiko na ang mga trash trap ay hindi nagiging sagabal sa mga isda bagkus ay nagiging proteksyon sa mga anyong-tubig. 

Mula noong magsimula ang Manila Bay rehabilitation noong Enero 2019 ay nasa 4,300 toneladang basura na ang nakolekta sa Central Luzon.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.