Dalawang babaeng teenager ang nailigtas ng kapulisan mula sa sindikatong sangkot sa online sex shows nitong Pebrero 2 sa Unit JO3 Kandi Tower Flora St. Brgy. Malabanias, Angeles City ng 11:00 p.m.
Huli ang pangunahing aktor ng sex show na si Easton Scot Sanderson, 34, na isang American citizen na nakatira sa kaparehong address, at ang Filipino production crew nitong sina Reneilyn Robles, 22, residente ng Lawang Bato, Valenzuela City; Jann Arielle Mondejar, 23, ng Brgy. Malitlit Sta. Rosa City, Laguna; at Shirley Martinez, 22, ng Brgy. Sta Rita, Calbayog City.
Sinabi ng mga biktima na ayon kay Mondejar, para sa modeling ang photo shoot pero nauwi sa pakikipagtalik kay Sanderson na ang recording ay inilalagay sa pornographic sites.
“The PNP is going after traffickers who prey on women for sexual exploitation. We urge the public to report to us similar illegal activities for immediate police intervention,” pahayag ni PNP Chief Police General Debold M. Sinas.
Kakasuhan ang mga suspek ng paglabag ng RA 10364 (Anti-Human Trafficking Act) at Sec. 6 ng RA 10175 (Cybercrime Prevention Act of 2012).