Dalawang diumano’y miyembro ng Dawlah Islamiya Hasan Group at Bangsamoro Islamic Freedom Fighter Karialan-Bungos Faction ang patay matapos tangkaing tumakas sa mga pulis nitong Pebrero 4 sa Maguindanao.
Tinangka diumanong labanan ng dalawang suspek na sina Rasul Dubpaleg at Bhadz Dubpaleg ang mga pulis sa loob ng patrol car na pinagsakyan sa kanila matapos maaresto bandang 10:00 a.m. sa Rajah Buayan, Maguindanao.
Nasugod pa ang dalawa sa Maguindanao Integrated Provincial Health Office ngunit yumao na rin kinalaunan.
Inaresto ang dalawa dahil sa pagkakasangkot sa bombing incidents sa Isulan, Sultan Kudarat; Midsayap, North Cotabato; at Southseas Mall sa Cotabato City.