Malaki ang pasasalamat ng AFP sa Metrobank Foundation, Inc. at GT Foundation, Inc. sa grocery bags na nagkakahalagang PhP1,000 kada isa na tinanggap ng 400 AFP frontliners ngayong araw, Pebrero 17 sa AFP General Headquarters Canopy Area ng Camp Aguinaldo.
“We are truly grateful to the MBFI and GTFI for including our troops as beneficiaries of these ‘Red Bags’ and for recognizing the efforts of our AFP frontliners in our battle against the pandemic and other various forms of threats that our nation continues to confront,” pahayag ni AFP Chief of Staff Lieutenant General Cirilito Sobejana na pinangunahan ang seremonyang dinaluhan nina Hero Hernandez, Head ng Excellence Awards Unit ng MBFI at Lilac Lazaro, Senior Program Officer ng GTFI.
Tumulong din ang AFP sa pamimigay ng red bags sa nasa 17,600 na mahihirap na pamilya sa iba’t ibang lugar sa buong bansa. Ang Bags of Blessings Project ay isang nationwide gift-giving activity ng MBFI at GTFI na ginaganap taun-taon tuwing Chinese New Year.
Katuwang ang AFP ng mga naturang foundations sa nasabing aktibidad simula pa noong 2015, ngunit ngayong taon ay kasama ang military frontline workers bilang benepisyaryo at pagkilala sa kanilang kontribusyon sa pambansang laban sa COVID-19.
“Indeed, this simple yet profound act of generosity will certainly rekindle our passion and motivate us to carry on with our mission of protecting our people and serving the land,” dagdag pa ng AFP Chief.