ACCREDITED STAYCATION HOTELS MAAARI NANG MAG-OPERATE HANGGANG 100%

Ni Ivy Atompag
Photo: PNA
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Inanunsyo ng Palasyo ngayong araw, Mayo 28, na maaari nang mag-operate ang mga staycation hotels ng hanggang 100% capacity. 

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, inaprubahan ng mga miyembro ng lATF-EID ang rekomendasyong payagan na ang mga Department of Tourism (DOT)-accredited staycation hotel na may Certificate of Authority to Operate for Staycation sa kanilang buong kapasidad. 

“On tourism-related matters, DOT-accredited accommodation establishments with Certificates of Authority to Operate for Staycation may accommodate guests for staycation up to 100 percent venue capacity,” saad ni Roque. 

Dagdag pa niya, maaari ring hindi na i-require ng mga hotel ang COVID-19 testing mula sa mga bisita hangga’t nasa edad 18 hanggang 65 ang mga ito. 

Tanging ang mga hotel at mga establisyimentong may akreditasyon mula sa DOT lamang ang pinapayagang tumanggap ng mga bisita alinsunod sa mga patakaran ng community quarantine sa bansa. 

Sa kabila nito, sinabi rin ni Roque na ang accredited na staycation hotels sa mga lugar na nasa GCQ ay maaari lamang tumanggap ng hanggang 30 percent ng kanilang venue capacity. Nakasaad din sa IATF-EID Resolution 117 na naaprubahan kahapon na tanging mga bisita lamang na manggagaling sa iisang tahanan ang tatanggapin sa mga hotel na matatagpuan sa mga lugar na nasa ilalim ng GCQ. 

“DOT-accredited accommodation establishments in areas under General Community Quarantine (GCQ), on the other hand, may accommodate guests for leisure purposes for up to 30% of their venue capacity subject to DOT guidelines and other conditions,” dagdag ni Roque.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.