Nagpalipad ng aerial patrol ang AFP nitong Marso 22 para tingnan ang kalagayan ng air at maritime domains ng Pilipinas sa Julian Felipe Reef matapos mamataan ang 220 Chinese vessels sa lugar.
Hinihintay pa ang report ng WESCOM ukol sa resulta ng misyon.
“The AFP maintains that it will oppose any acts of incursions or encroachment in our sovereign territory. Our mandate includes ensuring that our fisherfolks and our Kababayan can freely take advantage of our maritime resources and conduct their livelihood in our EEZ,” pahayag ni Marine Major General Edgard Arevalo, AFP Spokesperson.
Gayunpaman, siniguro ng AFP na gagamit ng rules-based approach para iresolba ang isyu.