ASTRAZENECA VACCINES, MAAARI NA MULING IPAMAHAGI SA MGA 59 ANYOS PABABA — DOH

Ni Raiza F. Cabugwang
Photo courtesy of pna.gov.ph
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Inanunsyo ng Department of Health (DOH) noong Biyernes, Mayo 7, 2021, na maaari na muling ipamahagi ng mga lokal na pamahalaan ang AstraZeneca Coronavirus disease 2019 o COVID-19 vaccines sa mga indibidwal na hindi pa tumutungtong ng 60 taong gulang.

Ayon sa DOH, hindi pa sila nakatatanggap ng anumang balita hinggil sa blood clotting o pamumuo ng dugo sa mga naturukan na ng nasabing bakuna.

“To date, no local VITT (vaccine-induced thrombosis and thrombocytopenia) events have been confirmed. It was concluded that there are currently no known risk factors for VITT, and that the benefits of receiving the vaccine against COVID-19 still outweigh the risk,” pahayag ng Kagawaran.

Ang VIIT ay isang hindi pangkaraniwang kaso ng pamumuo ng dugo na may kaugnayan sa mababang platelet count. Ito ay maaaring maranasan apat hanggang 28 na araw matapos makatanggap ang isang indibidwal ng viral vector vaccine, tulad ng AstraZeneca.

Nauna nang sinuspinde ng DOH ang pamamahagi ng AstraZeneca vaccines sa mga Pilipinong nasa 59 taong gulang pababa matapos lumabas ang mga balitang may kinalaman sa blood clotting na naranasan ng mga nabakunahan ng nasabing COVID-19 vaccine sa ilang mga bansa.

Samantala, ayon pa sa DOH, bagama’t bihira ang kaso ng  post-vaccination blood clotting, naglabas pa rin sila ng mga panuntunan upang maging alerto ang vaccination sites at healthcare workers laban dito.

“All vaccination sites should have a strengthened post-vaccination surveillance to spot possible adverse events following immunization,” saad ng Kagawaran. 

Dagdag pa ng tanggapan, sasailalim din sa pagsasanay ang lahat ng healthcare workers sa vaccination sites hinggil sa pagtukoy at pangangasiwa sa mga magpapakita ng mga posibleng sintomas ng VIIT. Ang mga indibidwal na kakikitaan ng sintomas ng nasabing kaso ay kinakailangang agad na ipagbigay-alam sa mga health facility upang agad silang mapagtuunan ng pansin.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.