BAGONG CPNP ELEAZAR, NANAWAGAN PARA SA ‘INTENSIFIED CLEANLINESS POLICY’

Ni Trish Alcantara
Photo: PNP-PIO
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Nanawagan sa una niyang command conference bilang bagong PNP Chief si PGEN Guillermo Lorenzo Eleazar para sa istrikto at sistematikong implementasyon ng Intensified Cleanliness Policy o tuluy-tuloy na reporma sa PNP at paglalapit ng mga pulis sa komunidad.

Nagkaroon ng dayalogo sa ginanap na hybrid briefing sa PNP NHQ sa Camp Crame nitong Mayo 8 ang PNP Chief at police commanders sa buong bansa ukol sa pagpapalakas ng kampanya laban kriminalidad sa kalsada, iligal na droga, pag-aalsa, at terorismo.

Nagbigay rin ng direktiba si PNP Chief Eleazar sa paghahanda ng detention facilities sa inaasahang pagtaas ng bilang ng maaaresto dahil sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na hulihin ang mga walang suot na face masks sa mga pampublikong lugar.

“Makipagtulungan tayo sa mga lokal na opisyal, kasama ang barangay, para malaman natin kung aling mga lugar sa bawat komunidad ang maaari nating gamiting detention facilities para sa mga sadyang pasaway,” pahayag ni PNP Chief Eleazar.

Sinabi rin ng PNP Chief na dapat may physical distancing sa loob ng detention areas at pinaalalahanan ang mga pulis na 12 oras lang maaaring idetina ang mga taong maaaresto sa paglabag sa minimum public health safety standards kung walang kasong isasampa sa mga ito.

Binalaan din ng bagong hepe ng PNP ang lahat ng police officers kontra abuso at sinabihan ang mga itong sundin ang maximum tolerance habang inaaresto ang mga violator.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.