Tumatanggap na ng scholarship applications ang De La Salle University-College of St. Benilde mula sa dependents ng Philippine National Police (PNP) para sa Benildean Hope Grant nito.
Mamimigay ng libreng tuition kasama ang miscellaneous fees ang Benilde samantalang PhP10,000 allowance naman kada taon ang manggagaling sa PNP sa limang mapipiling scholars.
Prayoridad ang mga dependent ng mga killed-in-action at may mga service-related, permanent physical disability.
Dapat lang ay dependent ang mga aplikante ng PNP uniformed personnel na may general weighted average na 83% mula Grade 7-11. Maigi rin na may kamag-anak na pwedeng tirhan habang nag-aaral sa Maynila.
Bukas din ang scholarship sa mga dependent ng mga non-commissioned officer ng PNP, maging iyong mga nakatalaga sa paligid ng campus ng kolehiyo sa nakalipas na limang taon.
Bisitahin ang https://www.benilde.edu.ph/scholarships/Financial-Aid-Grants/BHG.html o tumawag sa 8723-0401 local 4253 o 4241 o 8470-8993. Deadline ng submission ay sa Nobyembre 13.