‘COMPLETE’ AT ‘UNQUALIFIED’ SUPPORT IPINANGAKO NG PNP SA RESULTA NG DOJ INVESTIGATION SA ANTI-ILLEGAL DRUG OPS

NATIONAL

Ni Trish Alcantara
Photo: PNA
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

“Complete” at “unqualified” support ang ipinangakong suporta ng PNP sa anumang resulta ng DOJ investigation sa homicides na dulot diumano ng police anti-illegal drug operations.

“We are confident that the DOJ investigation will succeed in establishing culpability of PNP Units and personnel who may have stepped beyond the limits of their authority out of overzealousness, inadequate training or lack of supervision,” pahayag ni PNP Chief, PGEN Dionardo B. Carlos.

Kumpiyansa naman ang PNP sa impartiality ng nasabing imbestigasyon.

“Let the axe fall where it may, the PNP will accept whatever findings of the DOJ probe, to which the PNP assures its complete and unqualified support and cooperation. If the PNP’s cooperation with the DOJ will serve the same purpose required by ICC, then  the PNP will gladly extend the same level of cooperation,” dagdag pa ng hepe.

Sinabi rin ng PNP na itutuloy lang nila ang momentum ng kampanya laban sa ilegal na droga na may significant impact sa pagsugpo sa drug trafficking sa bansa kung saan sangkot ang transnational drug syndicates at local producers ng methamphetamine products.

“But we want to restart the campaign with a clean slate by ensuring that the mistakes of the past will remain in the past, and the reinvigorated campaign will bring the anti-illegal drugs campaign to a higher level, totally responsive to the requirements of due process, transparency and public accountability yet with more teeth and greater efficiency,” paliwanag ng Chief PNP.

Indikasyon diumano ang pagtaas ng street-level price ng shabu na unti-unting nauubos ang suplay ng ilegal na droga sa market na dulot ng supply reduction strategy ng mga pulis atbp. law enforcement agencies.

13.5M KABATAANG EDAD 5–11, TARGET MABAKUNAHAN KONTRA COVID-19

NATIONAL

Ni M.L.
Source: PNA
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Target ng bansa na mabakunahan ang aabot sa 13.5 milyong kabataang may edad lima hanggang 11 sa panahong maaprubahan na ang pagbibigay ng COVID-19 vaccine sa naturang age bracket.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, wala pa umanong itinakdang araw kung kailan isasagawa ang bakunahan sa mga naturang kabataan.

“Wala pa tayong target date for the five to 11 years old vaccination. Hihintayin natin uli ang emergency use authority na ibibigay ng Food and Drug Administration (FDA) regarding the inclusion of this specific sector of society,” ani Usec. Vergeire.

Subalit siniguro ng ahensya na sapat ang suplay ng bakuna ng bansa kung sakaling simulan na ang bakunahan ng mga kabataang may edad lima hanggang 11 taong gulang.

“We have enough supply. Actually, we have about 40 million doses still to come until the end of the year para dito sa ating pagbabakuna ng COVID-19,” pahayag ni Usec. Vergeire.

Dagdag pa niya, “Lahat ng ating priority groups, the rest of the population, are already included in our estimates for the committed doses for 2021 sa ating bansa.” 

Kamakailan lamang nang iulat ni FDA Director Eric Domingo na maaari nang magsimula ang bakunahan sa mga kabataang 11 taong gulang pababa ngayong taon.

Aniya, “I would think before the end of the year. I’m pretty sure Pfizer is going to be ready, and Sinovac told us that their data is being collated and will be submitted soon. So, I believe before the end of the year we’re going to have vaccines for children below 12.”

DEPED HINIRANG NA ‘MOST TRUSTED AGENCY’ sa isang survey

NATIONAL

Ni R.F.C.
Photo courtesy of pna.gov.ph
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Ikinatuwa ng Department of Education (DepEd) ang pagkilalang ibinigay ng 2021 Philippine Trust Index (PTI) sa kanilang Kagawaran bilang pinaka-pinagkakatiwalaang tanggapan ng gobyerno.

Sa isang pahayag, sinabi ng DepEd na ang naturang parangal ay naging posible sa pamamagitan ng pagsisikap ng education frontliners na naging malaking bahagi ng pagsusulong ng basic education learning continuity plan.

“While we are faced with the daunting challenges of the pandemic on a daily basis, public trust is the quintessential backbone which we depend on to ensure that all our programs are truly relevant and impactful to the lives of every Filipino,” pahayag ng DepEd.

Nakakuha ang Kagawaran ng 91 porsyentong trust rating mula sa publiko, na siyang pinakamataas sa lahat ng national government agencies.

Kabilang din sa listahan ng mga pinaka-pinagkakatiwalaang ahensya ng gobyerno ang Pagtutulungan sa Kinabukasan: Ikaw, Bangko, Industriya at Gobyerno o Pag-IBIG Fund (89 porsyento), Department of Social Welfare and Development (88 porsyento), at ang Government Service Insurance System at Bangko Sentral ng Pilipinas (parehong nakakuha ng 87 porsyento).

Ang PTI 2021, na isang biennial research ng communications firm na EON Group, ay naglalayong masukat ang tiwala ng publiko sa multi-tiered organizations sa gitna ng pandemya.

Fuel subsidy para sa mga tsuper, matatapos ang distribusyon sa Disyembre

NATIONAL

Ni I.A.
Photo: PNA
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Sinabi ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) National Capital Region (NCR) regional director Zona Russet Tamayo na nakatakdang matanggap ng 136,230 jeepney drivers ang kanilang cash cards at Php1 bilyong fuel subsidy mula sa pamahalaan sa Disyembre.

Ayon kay Tamayo, nasa proseso na ang LandBank of the Philippines (LBP) sa pagpriprint ng Pantawid Pasada Program o PPP cards ng mga benepisyaryo. Mula sa kabuuang bilang, nasa 85,000 umano sa mga ito ang nauna nang magkaroon ng cash card para sa mga nakaraang programa ng gobyerno.

“Doon sa mga wala pa pong cards, pinipilit ho nating tapusin ho ito by month-end so we only have some few days left. So that by the start of December ay mai-distribute na po ‘yung remaining cards po sa ating mga beneficiaries –the soonest possible time,” saad ni Tamayo.

Nakatakdang makatanggap ng Php7,200 ang bawat isa sa mga benepisyaryo. Makakatanggap pa rin umano ang mga jeepney driver ng fuel subsidy kahit na bumababa na ang presyo ng mga produktong petrolyo. 

Noong Nobyembre 24 ay sinimulan na ng pamahalaan ang pamamahagi ng cash assistance sa mga driver ng jeep upang tulungan ang mga itong makasabay sa mga oil price hike kamakailan. Sa ngayon ay nasa 78,000 PUJ operators ang nakakuha na ng kanilang fuel subsidy.

Sa kabila nito, nilinaw ni Tamayo na ang fuel subsidy ay maaari lamang gamiting pambili ng mga produktong petrolyo at hindi ng ibang bagay. Kung gagamitin umano ang pera ng benepisyaryo sa ibang bagay bukod sa produktong petrolyo, malalaman ito ng LBP at ang benepisyaryo ay ipapatawag sa LTFRB.

“Hindi ho ito pupuwedeng i-withdraw sa ATM or gamiting pambili ng ibang gamit at ito po ay strictly fuel subsidy or para lang ho pambayad ng mga binili ho ninyong krudo,” paliwanag ni Tamayo.

GOOD NEWS, MGA SIKLISTA! DOTr hiniling sa Google na isama ang BIKE LANES NG ‘PINAS sa Google Maps

NATIONAL

Ni R.F.C.
Photo courtesy of pna.gov.ph
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Hiniling ng Department of Transportation (DOTr) sa Google na isama ang bike lane routes ng bansa sa dashboard ng real-time navigation application nito na Google Maps upang matulungan ang mga siklista sa kanilang pagbiyahe.

Ayon kay Transport Secretary Art Tugade nakikipag-ugnayan na ang DOTr sa Google hinggil sa naturang proyekto.

“This will be a very good innovation for Google Maps considering that many Filipinos now are riding bikes as their main mode of transportation which brings significant health and environmental benefits especially amid the pandemic,” saad ni Secretary Tugade.

Pahayag pa ng Kalihim, inaantay na lamang ng DOTr ang pahintulot ng Google pero tiwala aniya siya na pauunlakan ng tech giant ang kahilingan ng kaniyang tanggapan dahil sumusuporta aniya ang Google sa active transport.                                                                                                                                                       

“We have asked Google to consider this suggestion top priority considering the increasing number of Filipino cyclists. We are confident that we can win their support on this,” ani Tugade.

Nakumpleto na ng DOTr ang 500 kilometrong bike lane network na sakop ang iba’t ibang lungsod ng Pilipinas, kasama na ang Metro Manila (313.12 kilometro), Metro Cebu (129.47 kilometro), at Metro Davao (54.74 kilometro).

Ang naturang bike lanes ay may pavement markings, physical separators, solar-powered road studs, thermoplastic paints, road signages, at bike racks.

Pinondohan ang naturang proyekto sa ilalim ng Bayanihan to Recover as One Act, ang batas na naglalayong matulungan ang bansang makabangon sa dagok na dala ng pandemya.

NAPAUWING OFWs MULA 2020, UMABOT NA SA 800K

NATIONAL

Ni I.A.
Photo: PNA
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Umabot na umano sa 803,521 OFWs na labis na naapektuhan ng pandemyang dala ng COVID-19 ang napauwi sa bansa at natulungan ng pamahalaan mula noong nakaraang taon ayon kay Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) chief Hans Leo Cacdac sa kaniyang post sa Twitter.

“We have hit the 800K mark in terms of OFWs given food, quarantined, and transported to their home regions since May 2020,” saad ni Cacdac. 

Dagdag pa ni Cacdac, ang lahat ng assistance na ibinigay sa mga repatriated OFW ay naging posible sa pagtutulungan ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno katulad ng Department of Foreign Affairs (DFA), DOLE-OWWA, Department of Transportation (DOTr), Civil Aviation Authority of the Philippines, Philippine Coast Guard, Manila International Airport Authority, Department of Health (DOH), Department of Tourism (DOT), Department of the Interior and Local Government (DILG), Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP), Department of National Defense (DND), at mga lokal na pamahalaan.

Pagdating sa bansa, ang mga OFW ay binibigyan ng assistance hanggang makarating sa kani-kanilang hotel sa Metro Manila o karatig-probinsya upang mag-quarantine habang naghihintay ng resulta ng kanilang swab test. 

Kapag nag-negatibo sa virus, sinisiguro ng pamahalaan na sila ay maihatid at matulungang makauwi agad sa kani-kanilang tahanan o probinsya.

NBDB inilunsad ang Book Nook project sa mga liblib na lugar ng bansa

NATIONAL

Ni M.L.
Source: booksphilippines.gov.ph
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Inilunsad ng National Book Development Board kamakailan ang proyekto nitong Book Nook kung saan 52 reading spaces ang itinayo sa mga liblib at indigenous areas sa buong bansa sa loob lamang ng anim na buwan.

Umaasa si NBDB Chairman Dantes Francis Ang II na sa pamamagitan ng pagsasagawa ng reading corners sa mga liblib na lugar, tuluyan nang maisusulong ang nation building at cultural empowerment ng bansa.

“These spaces also serve as a resource for children, their parents and teachers in order to reinforce critical reading and writing their own stories. May this launch signify our commitment to better serve our country with our branding ‘Aklat Para sa Lahat”, pahayag ni Ang.

Ibinahagi rin NBDB Executive Director Charisse Aquino-Tugade ang naging inspirasyon ng ahensya upang maisakatuparan ang Book Nook project. 

Aniya, “There is a magic number and it is 24:1. This is our import-export disparity. There are 24 more times foreign books that enter the country than what we send out. If you go to our libraries and bookstores, our own content is relegated to a very slim Filipiniana section. My question is whose voice do we give primacy to? Shouldn’t we give our own voice a chance?,” ani Tugade.

Ayon kay Tugade, sa pamamagitan ng proyekto, hangarin ng ahensya na magkaroon ng mas maraming access points sa bansa upang magkaroon ng pagkakataon ang publiko na mabasa ang mga babasahing nakasalin sa kanilang lenggwahe, base sa kanilang kultura, at paniniwala.

“We really want to engage communities to just be more inspired and not look outwards to find inspiration. We really want something a little bit more holistic. No matter what Philippine language you speak, you will find that connection with other communities,” dagdag pang pahayag ni Tugade.

Samantala, pinapurihan naman ni Department of Education Leonor Briones ang inisyatibang ito ng ahensya na aniya’y malaking tulong sa mga magulang at guro upang mahikayat ang mga kabataang tangkilikin ang mga babasahin mula sa iba’t ibang rehiyon sa bansa.

“With the establishment of the 52 sites, we hope that more areas will be served in the next years of implementation of this project. Crucial in the expansion of reach and impact of this project is the collaboration among local government units, civil society organizations, NGOs and the academe,” ani Sec. Briones.

Dagdag pa niya, “There will be more than a thousand Pinoy books per site. But, we need more books such as children’s literature, young adult’s stories and novels, contemporary fiction, graphic novels and comics and history and culture in Filipino, in English and in the regional languages. This is why collaboration among agencies and institutions is necessary for the success of this project by pooling resources to buy books”.

Bukod umano sa reading spaces, inaabangan rin ng Kalihim ang iba pang aktibidad sa Book Nook project tulad ng storytelling, arts and crafts workshop, at book club meetings.

“With these events, we hope that Philippine literature as well as the culture of reading will thrive,” she said. “The DepEd would like to encourage each and every one to be a reader of our nation,” pahayag ni Sec. Briones.

WANTED PERSON HULI MATAPOS MAG-APLAY NG POLICE CLEARANCE

NATIONAL

Ni Trish Alcantara
Photo: PNA
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Huli matapos makakuha ng “hit” sa aplikasyon sa police clearance ang isang wanted person sa Fairview Police Station (PS 5) nitong Nobyembre 24.

Arestado si Ever Gumata, 35, residente ng Sitio Labajan Brgy. Mambugan Antipolo City, Rizal, bandang 4:20 p.m. dahil sa pending warrant of arrest dahil sa reckless imprudence resulting in slight physical injuries na inisyu ni Br. 32 MTC National Capital Judicial Region, QC Presiding Judge Janet Abergos-Samar.

Pinapurihan naman ni QCPD Dir. PBGEN Antonio C. Yarra ang gamit ng e-warrant system na nakakonekta sa national crime databases na aniya’y walang wanted na makalulusot.

PNP ISASAPUBLIKO ANG RESULTA NG IMBESTIGASYON SA PRESIDENTIAL CANDIDATE NA ‘COCAINE USER’

NATIONAL

Ni Trish Alcantara
Photo: PNA
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Handa diumano ang PNP na isapubliko ang resulta ng validation nito sa misteryosong presidential candidate na diumano’y “cocaine user”.

Ipinagkatiwala na ng PNP sa Drug Enforcement Group nito ang pagkalap ng impormasyon at ebidensya sa tinutukoy na kandidato ni Presidente Rodrigo Roa Duterte.

Klinaro rin ng PNP na maaari lang silang mag-imbestiga sa drug tests na positive. Sa ilalim ng RA 9165, pinapayagan ang police intervention sa confirmed drug uses.

Samantala, nakikipagkoordinasyon na ang PNP sa political aspirants na nagnanais sumailalim sa drug test para siguruhing hindi sila illegal drug users.

18 ARAW NA KAMPANYA LABAN SA KARAHASAN SA KABABAIHAN, PANGUNGUNAHAN NG PCW

NATIONAL

Ni I.A.
Photo: PNA
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Inaanyayahan ng Philippine Commission on Women (PCW) ang publiko at lahat ng ahensya ng gobyerno sa 18 araw na kampanya upang tigilan ang karahasan sa kababaihan na magsisimula sa Nobyembre 25 at magtatapos sa Disyembre 12.

Ito ay bilang suporta sa layunin ng pamahalaang protektahan ang karapatan ng mga kababaihan sa pamamagitan ng paninindigan nitong aksyunan ang lahat ng uri ng gender-based violence.

Ang 18-day campaign to End Violence Against Women ay taun-taong isinasagawa at ang tema ng kampanya mula 2016 hanggang 2021 ay “VAW-free community starts with Me” at ngayong taon ay may slogang “Filipino Marespeto: Safe Spaces, Kasali Tayo.”

Ang kampanya ngayong taon ay naglalayong magdagdag ng kamalayan patungkol sa Republic Act No. 11313 o “Safe Spaces Act,” kilala rin bilang Bawal Bastos Law. 

Magsasagawa ng virtual campaign ang PCW sa Nobyembre 25 upang pormal na ilunsad ang pagsisimula ng kampanya.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.