LUNGSOD NG QUEZON — Malugod na ibinalita ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na tukoy na ang susunod na pinuno ng Sandatahang Lakas.
Ito’y sa katauhan ni Lieutenant General Gilbert I. Gapay, Commanding General ng Hukbong Katihan ng AFP na valedictorian ng Philippine Military Academy “Sinagtala” Class of 1986. Bago nahirang na 54th Chief-of-Staff, naging parte rin ang heneral ng Intelligence at Civil Military Operations ng AFP.
Papalitan ni LT GEN Gapay si AFP Chief Felimon Santos, Jr. na nakatakdang magretiro sa Agosto 3.