Nakatakdang magpulong ang mga opisyal ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ngayong Huwebes upang pag-usapan ang posibleng compensation package na ibibigay sa COVID-19 recipients na magkakaroon ng vaccine-related injuries matapos mabakunahan.
“Inaaral natin yan. Just as ang DOH po ay inaaral rin yung protocols on the anti-Covid vaccination, inaaral din ngayon ng PhilHealth ang mga pakete para pag nagkaroon ng adverse effect ang bakuna… ay andyan tayo tumulong,” pahayag ni PhilHealth President Dante Gierran.
Siniguro rin ni Gierran sa publiko na mayroong pondo ang ahensya na nakalaan sa vaccine-related injuries.
Ayon sa kanya, “This coming Thursday, idi-discuss iyan sa [PhilHealth] Board,” he said. “Mayroon tayong pera, mayroon tayong reserve fund for that.”
Kaugnay nito, nanawagan naman si Vaccine Czar Carlito Galvez, Jr. sa Kogreso na gumawa ang bansa ng sarili nitong indemnification law na kinakailangan upang maibigay ang libreng bakuna mula sa COVAX facility kasunod ng nangyaring aberya sa pagdating nito sa bansa.
Samantala, dalawang batas naman ang ipinasa ng Senado kamakailan na may kaugnayan sa paglulunsad ng indemnity fund para sa vaccine-related injuries sa bansa.