DAGDAG NA SUPLAY NG BAKUNA SA CATANDUANES, panawagan ng lokal na pamahalaan

Ni M.L.
Source: PNA
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Umapela ang lokal na pamahalaan ng Catanduanes, ang nag-iisang probinsya sa bansa na nananatiling nasa Alert Level 4 hanggang sa katapusan ng Nobyembre, na mabigyan pa ng mas maraming suplay ng bakuna upang mapababa ang bilang ng positibong kaso sa naturang lugar.

Ayon kay Catanduanes Governor Joseph Cua, tinatayang nasa 65,478 katao o 24 porsyento ng populasyon ng Catanduanes ang nakatanggap na ng kumpletong bakuna kontra COVID-19.

Sa kasalukuyan umano, may kapasidad ang probinsya na magbakuna ng aabot sa mahigit apat na libong katao bawat araw at naglaan na rin ng dalawang bus para sa mobile inoculation. 

Upang makumbinsi ang mga tao na magpabakuna, namimigay na rin umano ang mga lokal na opisyal ng food packs ayon sa Gobernador.

“Gusto ko pong ipahatid sa aming lalawigan at sa National Government ang [pangangailangan ng] karagdagang vaccine allocation para maipagpatuloy namin ang pagbakuna at ma-reach namin iyong herd immunity,” pakiusap ni Gov. Cua.

Isinailalim ang Catanduanes sa Alert Level 4 nitong Nobyembre 17. Ayon kay Gov. Cua, isa sa mga dahilan ng pagkakalagay ng probinsya sa naturang alert level ay ang 82 porsyento nitong hospital utilization rate.

Ito ay dahil umano sa kakulangan sa ospital sa naturang lugar kung saan isa lamang ang provincial hospital at dalawa naman ang pribadong ospital.

Sa pinakahuling ulat ni Gov. Cua, mayroong kumpirmadong 27 kaso ng Delta variant sa probinsya. Ayon naman sa datos ng probinsya nitong Nobyembre 17, naitala ang 2,868 na kaso kung saan 154 sa mga ito ang kasalukuyang aktibo.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.