DOH: ‘85% NG HEALTHCARE WORKERS SA BANSA, NABAKUNAHAN NA KONTRA COVID-19’

Ni Raiza F. Cabugwang
Photo courtesy of pna.gov.ph
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Inanunsyo ng Department of Health (DOH) na umabot na sa 85 porsyento ng bilang ng healthcare workers sa bansa ang nabakunahan na laban sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay DOH Undersecretary Myrna Cabotaje, nasa 1,340,337 healthcare workers na ang nakatanggap ng kanilang unang dose ng COVID-19 vaccine, samantalang nasa 581,797 naman ang nakumpleto na ang dalawang dose ng naturang bakuna.

Saad ni Health Undersecretary Cabotaje, karamihan sa natitirang 15 porsyento ng bilang ng healthcare workers na hindi pa nababakunahan ay nakadestino sa mga probinsya.

“Ang karamihan po iyong mga nasa probinsiya, kailangan natin pong hikayatin iyong ating mga barangay health workers, iyong ating mga members ng ating Barangay Health Emergency Response Team, medyo nag-aatubili pa sila. So, kailangan talagang kumbinsihin, these are mostly in the provinces and in the regions,” pahayag ng opisyal sa isang public press briefing.

Dagdag pa ni Cabotaje, nasa 97 porsyento na ng bilang ng healthcare workers sa National Capital Region ang nabigyan na ng nasabing bakuna.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.