Nagbukas ng bagong tulay ang Department of Public Works and Highways (DPWH) papuntang tourism destinations sa Tagaytay City, Cavite nitong Disyembre 17.
Pinangunahan ni DPWH Secretary Mark A. Villar ang seremonya ng pagbubukas ng Kaykulot Bridge na kumokonekta sa Tagaytay-Calamba Road papuntang Sta. Rosa-Ulat-Tagaytay Road sa Cavite.
Ayon sa Secretary, alternate route ang 90 lineal meter bridge para sa madaliang byahe papuntang Tagaytay Picnic Grove at People’s Park in the Sky.
Target na mabenepisyuhan ang 2,000 motorista ng PhP65.7-milyong halaga ng tulay.
Bukod sa turismo, inaasahang tutulong din ang pagsasaayos ng Kaykulot Road sa pagdadala ng mga lokal na produkto sa mga pamilihan.
Isa ang Tagaytay sa pangunahing producer ng pinya sa Luzon.