LUNGSOD NG QUEZON — Nakiusap muli ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa senior citizens and persons with disability (PWDs) na gumamit ng karilyebo sa pagkuha ng Social Amelioration Program (SAP) cash subsidy.
Maaaring pumila pa para i-claim o i-withdraw ang kwarta ngayong second tranche ng SAP kaya naman mas mabuting magpadala na lang ang mga lolo’t lola at PWDs ng mga awtorisadong ririlyebo sa kanila.
Nagbabahay-bahay rin ang DSWD para ihatid ang ayuda sa ilalim ng Social Pension for Indigent Senior Citizens and the Centenarian Act.
Sinisiguro lamang ng ahensya ang kaligtasan ng senior citizens at PWDs sa kalagitnaan ng pandemya.
Sa kabilang banda, tuluy-tuloy ang pamimigay ng SAP sa mga “waitlisted” na pamilya. Nito lamang ay nagbahay-bahay rin ang DSWD Field Office Caraga suut-suot ang kanilang personal protective equipment sa may 205 pamilyang benepisyaryo sa Barangay Buhangin, Butuan City upang magpamigay ng P5,000. Nasa 187 benepisyaryo naman ang pumila sa USSC Gaisano Grand Calinan Branch para sa SAP.