LUNGSOD NG QUEZON — Nagpadala ng 6 1/2 tonelada ng relief supplies ang Philippine National Police (PNP) para sa mga residenteng apektado ng pananalanta ni Typhoon Rolly sa Bicol region nitong Nobyembre 2.
Nasa 1,000 individual packs ng bigas, canned goods, at noodles ang bumyahe mula Camp Crame na inorganisa ng Police Community Affairs and Development Group ng PNP.
Bumyahe rin si PNP Chief PGEN Camilo Pancratius P. Cascolan papuntang Bicol upang personal na bumisita at subaybayan ang isinasagawang relief at rehabilitation operations ng PNP units.