GOBYERNO NAGTALAGA NA NG PURCHASE LIMIT PARA SA MGA FLU MEDICINE

Ni M.L.
Source: PTV News
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Nagtalaga na ang gobyerno ng purchase limit para sa mga flu medicine dahil sa kakulangan ng suplay nito dulot ng hindi inaasahang surge ng mamimili matapos tumaas ang kaso ng COVID-19 sa Metro Manila.

Inilabas ng Department of Trade and Industry at Department of Health (DOH) ang Joint Memorandum Circular No. 22-01 Series of 2022 o Setting of Purchase/Cap for Paracetamol, Phenylephrinehydrochloride, Carbocisteine, and Chlorphenamine Maleate Paracetamol.

Base sa JMC, inaatasan ang mga retailers na limitahan lamang sa 20 pirasong 500mg tablet ang bawat indibidwal habang 60 piraso naman sa bawat kabahayan; 5 piraso naman ng paracetamol 120 mg/5ml, 60 ml suspension ang maaaring bilhin ng isang indibidwal habang 10 naman ang nakalaan sa bawat household; 5 piraso din ang nakalaan sa 250mg/5ml, 60 ml suspension sa bawat indibidwal, at 10 piraso naman sa bawat kabahayan.

Para naman sa phenylephrinehydrochloride, chlorphenamine maleate, at paracetamol na mayroong dosage na 2.5 mg.500 mcg.125 mg per 5 ml, 60 ml suspension, 5 piraso ang maaaring bilhin ng isang indibidwal at 10 piraso naman sa bawat kabahayan. 

Sa pagbili naman ng Carbocisteine 500 mg/5ml, 60 ml, 5 piraso lamang bawat indibidwal at 10 sa bawat kabahayan. Pareho rin ang limitasyong ito sa 200 mg/5 ml, 60 ml suspension.

Inabisuhan na rin ang retailers na ilagay ang bagong notice na ito sa mga lugar na agad makikita ng mga mamimili upang maabisuhan ang mga ito sa bilang ng gamot na maaari nilang bilhin.

Iginiit din sa naturang JMC na ipinagbabawal ang pagbebenta ng mga gamot online na hindi awtorisado ng Food and Drug Administration.

Mananatili umano ang pagpapatupad ng naturang limitasyon sa mga flu medicine hanggang ideklara ng DOH na normal na ang suplay ng mga gamot na ito.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.