Hiniling umano ni Pangulong Rodrigo Duterte na bigyan siya ng kaunti pang panahon bago aprubahan ang pagpapatupad ng Modified General Community Quarantine na inaasahang makatutulong sa pagbangon ng ekonomiya ng bansa.
“The President is just asking for a little more time because again, ang step-by-step process para sa kaniya is vaccination rollout muna,” paliwanag ni Cabinet Secretary Karlo Nograles.
Aniya, mahirap umano para sa Pangulo ang naging desisyon nito subalit mas prayoridad nito ang kalusugan at kapakanan ng publiko.
Dagdag pa niya, “Let’s wait and let’s see. ‘Pag good and successful rollout of the vaccination, makita lang na nagsimula iyong vaccination program na may mga nakakuha na ng bakuna… then he will make the decision about the MGCQ for the entire country.”
Samantala, siniguro ni Nograles na itutuloy pa rin ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases ang buwanang assessment nito kahit pa magsimula na ang vaccination rollout sa bansa.
Sa kasalukuyan, kailangan muna umanong humanap ng paraan ng mga ekonomista upang agapan ang ekonomiya habang nasa ilalim ng General Community Quarantine ang ilang lugar.
“Again, the President and the government recognize the urgency of reopening the economy so we can resume the pre-pandemic upward trajectory and sustained growth of the economy. This, however, should be done side-by-side with measures that will ensure that we do not compromise efforts to contain COVID-19,” pahayag ni Cabinet Secretary Nograles.