IATF APRUBADO NA ANG MAS PULIDONG LISTAHAN NG NASA A4 NA KATEGORYA SA PAGBABAKUNA KONTRA COVID-19; LISTAHAN NG A1 NA KATEGORYA NADAGDAGAN

Ni Raiza F. Cabugwang
Photo courtesy of pna.gov.ph
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Inaprubahan na ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases ang rekomendasyon ng National Task Force Against COVID-19 (Coronavirus disease 2019) na gawing mas maayos at pulido ang listahan ng mga indibidwal na mabibilang sa A4 na kategorya ng pagbabakuna kontra COVID-19.

Ito ang inanunsyo ni Presidential Spokesperson Harry Roque kaugnay sa pagsisimula ng pagbabakuna sa mga indibidwal na kasama sa A4 at A5 na kategorya sa susunod na buwan.

Base sa bagong listahan, ang mga kasali sa A4 na kategorya na bibigyang prayoridad sa pagbabakuna laban sa COVID-19 ay ang mga sumusunod na grupo:

  • Mga manggagawa sa pribadong sektor na kinakailangang lumabas ng kani-kanilang tahanan upang personal na magpunta sa kani-kanilang lugar na pinagtatrabahuhan; 
  • Mga empleyado ng mga ahensya ng gobyerno, kabilang na iyong mga nagtatrabaho sa government-owned and controlled corporations o GOCCs at sa mga lokal na pamahalaan; at,
  • Mga manggagawa sa impormal na sektor ng lipunan at iyong mga self-employed na kinakailangang magtrabaho sa labas ng kanilang tahanan, pati na iyong mga nagtatrabaho sa mga pribadong tirahan.

Ayon sa IATF Resolution Number 117, inaprubahan din ng task force ang paunang pamamahagi ng bakuna sa mga kabilang sa A4 Priority Group na nasa National Capital Region, Bulacan, Pampanga, Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Metro Cebu, at Metro Davao.

Samantala, kasama na sa A1 na kategorya ng pagbabakuna ang overseas Filipino workers na luluwas ng bansa sa loob ng apat na buwan mula sa nakatakdang petsa ng kanilang pagbabakuna. 

Nadagdag na rin sa naturang kategorya ang mga direktang miyembro ng pamilya ng healthcare workers sa bansa.

Inaatasan naman ang lahat ng mga lokal na pamahalaan na patuloy na bigyang prayoridad ang mga nabibilang sa A1, A2, at A3 na mga kategorya sa pamamagitan ng paglalaan ng espesyal na linya o vaccination centers para sa health frontliners, senior citizens, at iba pang mga vulnerable na miyembro ng lipunan.

Sa A4 na kategorya, maaari namang bigyang-prayoridad ng local government units (LGUs) ang mga indibidwal edad 40 hanggang 59 na taong gulang kaysa sa mga nabibilang sa grupong 18 hanggang 39 na taong gulang.

Kinakailangan ding gamitin ng LGUs ang Department of Information and Communications Technology (DICT) Vaccine Administration System (D-VAS). 

Ang D-VAS ay bahagi ng Vaccine Information Management System (VIMS) na binuo ng DICT bilang pagsuporta sa COVID-19 vaccination program ng pamahalaan. Ang VIMS ay binubuo ng VIMS – Immunization Registry para sa master listing at COVID-19 vaccination pre-registration, at ng D-VAS na naglalaman naman ng listahan ng mga indibidwal na nabakunahan na.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.