IATF mamamahagi ng health protocol modules kontra COVID-19 sa mga barangay

Ni Raiza F. Cabugwang
Cabinet Secretary at Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases co-chair Karlo Nograles, Photo courtesy of pna.gov.ph
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Nakatakdang mamahagi ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) ng health protocol modules sa iba’t ibang barangay sa bansa.

Ito ay kaugnay sa pagnanais ng IATF na bigyang-diin sa publiko ang kahalagahan ng pagsunod sa mga panuntunan upang mapangalagaan ang kalusugan.

Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, bibigyang-pansin ng IATF ang mga barangay upang masigurong sumusunod ang publiko sa ipinapatupad na minimum health standards.

“‘Yong next step natin sa IATF talaga, drill down na tayo sa mga barangay. Meron tayong ginagawang pakikipag-ugnayan sa mga barangay,” ani Nograles.

Sinabi rin ni CabSec at IATF Co-Chair Nograles na kasalukuyang hinahanda ng IATF ang modules na magbibigay-diin sa kampanya ng gobyerno na PDITR o prevention, detection, isolation, treatment, at reintegration o ang pag-iwas, pagtukoy, pagbubukod, pagpapagaling, at pagsasama-sama laban sa Coronavirus disease 2019 o COVID-19.

“May ginagawa na tayong mga modules at talagang makikipag-ugnayan na talaga kami sa mga barangay down to the hanggang doon sa mga purok-purok nila. Para ‘yong mga modules natin sa prevention… Lahat ng mga kailangan na paghihigpit at pagko-comply sa lahat ng protocols ay hanggang sa purok,” pahayag ng Kalihim.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.