INSENTIBO PARA SA PAGPAPABAKUNA, ISINUSULONG NG MGA LOKAL NA PAMAHALAAN

Ni Monica N. Ladisla
Source: PTV News
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Inilahad ng mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila na isa sa mga alternatibong paraan na kanilang ginagamit upang mahikayat ang kanilang mga nasasakupan na magpabakuna ay ang pagbibigay ng insentibo sa mga ito.

Ilan sa mga insentibong ipinamamahagi ng mga lokal na pamahalaan ang pagkakaroon ng sariling bahay at lupa, motorsiklo, groceries, at cash prizes upang mahikayat ang publiko na magpabakuna.

Sa siyudad ng Maynila, binibigyan ng premyo ang mga barangay na walang maitatalang kaso ng COVID-19. 

“If you can recall, meron tayong incentive approach program for barangays na they will try their best na walang COVID case sa kanilang area of responsibility,” pahayag ni Manila Public Information Office Chief Julius Leonen. 

Aniya, naging mabuti umano ang epekto ng pagpapatupad nito sapagkat naging mas istrikto ang mga barangay sa pagpapatupad ng minimum public health standards. 

Sang-ayon naman si San Juan Mayor Francis Zamora sa paggamit ng mga local chief executives bilang ambassadors upang tumaas ang tiwala ng publiko sa mga bakuna. 

Kamakailan, nilagdaan din niya ang dalawang city executive orders, EO 81 at EO 82 na parehong may kinalaman sa pagbibigay ng insentibo sa mga bakunadong indibidwal sa San Juan. 

“Malaking tulong iyan upang mahikayat natin ang ating mga mamamayan na magpabakuna, at the same time, makakatulong din ito sa mga negosyo sapagka’t tataas ‘yung foot traffic ng kanilang mga tindahan dahil ‘yung mga may vaccination card, mahihikayat din na pumunta dahil may mga diskwento at pribilehiyo,” saad ni Mayor Zamora. 

Patuloy pa rin umano ang house-to-house information dissemination tungkol sa mga bakuna gayundin sa epekto nito. 

Naniniwala naman si Navotas City Mayor Toby Tiangco na door-to-door information campaigns ang sagot upang tumaas ang tiwala ng publiko sa mga bakuna. 

“Mas maganda na tiyagain sa pagpapaliwanag kung bakit nila kailangang magpabakuna,” paliwanag ni Mayor Tiangco. 

Dagdag pa niya, “Ang ginagawa lang natin upang tumaas ‘yung vaccine confidence ay magpaliwanag sa mga tao na ito ay safe. Number two, ‘yung sila ang mamimili ng bakuna. As long as available ‘yan at they will choose (their preferred brand.) Number three, sila pa rin ang mamimili kung gusto nila ng scheduled or walk-in.”

Ayon sa vaccination data ng bansa, umabot na sa mahigit limang milyong doses ng bakuna ang naibigay mula nitong Mayo 30. Samantala, aabot naman sa mahigit isang milyon ang nakatanggap na ng ikalawang dose at kumpleto na sa bakuna.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.