Inanunsyo ni Department of Public Works and Highways (DPWH) at Isolation Czar Mark A. Villar na balak nitong tapusin ngayong Nobyembre 2020 ang karagdagang modular hospital sa compound ng Lung Center of the Philippines upang itaas ang bed capacity ng ospital para sa mga moderate hanggang severe kaso ng COVID-19.
“Our goal is to complete a fully-functional hospital facility, capable of accommodating severe cases of the virus, by early November,” saad ng Kalihim.
Sa inspeksyong pinangunahan ni DPWH Undersecretary Emil K. Sadain na siya ring DPWH Task Force to Facilitate Augmentation of Local and National Health Facilities head noong Sabado, Oktubre 17, sinabi nitong walong kwarto na may dalawang higaan kada isa ang idagdagdag ng proyekto.
“The additional 16-bed capacity offsite modular hospital will hopefully bring relief to LCP which is already overwhelmed with moderate to severe COVID-19 cases,” pahayag ni Usec. Sadain.