Nahigitan na muli sa ikalimang pagkakataon ngayong Oktubre ng Bureau of Customs (BOC) ang monthly collection target nito simula Hunyo 2020.
Lumagpas ng 5.2% sa October monthly target ang kinita ng BOC o PhP2.5 bilyon sa PhP48.4 bilyong target.
Pitong collection districts ang humigit sa kanilang target sa nasabing buwan: mga daungan sa Batangas, Manila, Zamboanga, Subic, Clark, Limay, at Cebu.
Nasa PhP448.950 bilyon na ang nakokolekta ng BOC mula Enero o 88.7% ng PhP506.150 bilyong target nito ngayong taon.
Ang positive revenue collection performance ay dulot umano ng pinag-iging valuation at pinalakas na collection ng lahat ng ports; pinagbuting importation volume; at tuluy-tuloy na paggalaw ng mga kalakal mapalokal man o internasyonal sa kabila ng pandemya.