Nasa 544 menor de edad na diumano’y ginagamit na “child warriors” ng CPP-NPA-NDF ang nasa listahan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na isinumite nito sa Department of Justice (DOJ) nitong Enero 15.
Pinangunahan ni COL Joel Alejandro S. Nacnac, AFP Human Rights Office Chief, ang grupong nagsumite ng listahan sa DOJ Main Office sa Padre Faura, Manila.
Kasama rin sa isinumite ang listahan ng 532 insidente ng destruction of property ng CPP-NPA-NDF.
Tinanggap ni Atty. Maria Theresa S. Guillaume, AO 35 Chief of Staff, ang mga naturang report.
Nagkasundo rin ang magkabilang panig na magsagawa ng capacity-building activities na sasamahan ng PNP field units.