MAHIGIT 2K POLICE BODY CAMS, READY NA SA ROLLOUT

Ni Trish Alcantara
Photo: PNP-PIO
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Nasa 2,696 body-worn cameras (BWCs) ang ipakakalat ng PNP sa police stations na nasa mga siyudad sa buong bansa simula Hunyo 4 na inaasahang sisiguro sa transparency at legitimacy ng police operations para na rin sa tiwala ng publiko.

Nagpapasalamat si PNP Chief PGEN Guillermo Lorenzo T. Eleazar sa mga datihang hepe na sina Senador Ronald dela Rosa at Retired PGEN Debold M. Sinas sa procurement ng BWCs.

“Sa ating mga kababayan, may proteksyon na kayo sa pang-aabuso at kalokohan ng iilan naming tiwaling kasamahan. At sa mas maraming bilang ng mga matitinong pulis, may proteksyon na tayo laban sa mga pagdududa at maling akala,” pahayag ng PNP Chief.

Sa kasalukuyan, nasa 623 mga pulis na ang nakakuha ng training sa paggamit ng BWCs.

Siniguro rin ni PGEN Eleazar na tamper-proof at hindi pwedeng manu-manong patayin ang BWCs ng mga pulis na magsusuot nito.

Accessible lang din ang mga makukuhang footage ng BWCs mula sa Command Center ng PNP na siyang titingin sa actual police operations ng iba’t ibang PNP units sa buong bansa.

Alinsunod din ang BWC System sa Secured, Mobile, Artificial-Intelligence Driven, Real-Time Technology (SMART) Policing Initiative ng PNP.

Nagpapasalamat din ang hepe ng PNP sa Korte Suprema sa tulong nito sa paghahanda ng guidelines para sa presentasyon ng ebidensya gamit ang BWC.

“The procurement and eventually the use of Body Camera Worn System is a tribute not only to Kian delos Santos who died of police abuse in Caloocan City but also to the policemen whose ultimate sacrifice in the line of duty were tainted by claims of extra-judicial killings, planting of evidence and other unfair allegations. Ang mahalaga dito ay masisiguro ng mga BWCs na walang paglabag sa Police Operating Procedures,” dagdag pa ni PGEN Eleazar.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.