MGA KABATAANG EDAD 12-15 TAONG GULANG, HINDI PA KAILANGANG ISAMA SA VACCINE PRIORITY LIST — DOH

Ni Monica N. Ladisla
Source: PNA
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Hindi pa umano prayoridad ng gobyerno sa ngayon ang pagbabakuna sa mga may edad 12-15 taong gulang dahil sa limitadong suplay ng bakuna sa bansa, ayon sa Department of Health (DOH).

Nilinaw ni DOH Secretary Francisco Duque III na mas importante umanong sundin ang napagkasunduang priority vaccine list dahil tukoy na umano rito ang mas nangangailangan ng bakuna.

“Dapat talagang itulak natin ang mabilisang bakunahan para sa mga senior citizens: A2 and A3, at A1. So, kinakailangan talaga ay sundin ‘yung prioritization formula, huwag tayong lilihis d’yan dahil kakalat po ito sa mas maraming indibidwal ay hindi mo maabot ‘yung proteksyon na kinakailngan ng pinaka-vulnerableng mga grupo,” pahayag ni Sec. Duque.

Siniguro naman ni Sec. Duque na hindi nila binabalewala ang suhestyong ito at aniya, “Well kinokonsidera natin lahat iyan ‘no, pinag-aaralan din sa kasalukuyan ng ating mga Vaccine Experts Panel.”

Dagdag pa niya, “Pero dapat linawin natin na dahil kulang pa ang bakuna at hindi naman sila kabilang sa tinatawag natin na high-risk group, hindi muna natin sila pwedeng isama sa ngayon.”

Sa kasalukuyan, 85 porsyento na umano ng healthcare workers sa bansa ang bakunado na kaya’t importante din umano na mapabilis ang pagbabakuna sa senior citizens.

“Ang talagang kailangan natin ngayon ay A2, iyan ang kinakailangang isulong natin dahil d’yan po galing ang mga nao-ospital na talagang sila po ang nabibiktima ng nakamamatay na komplikasyon ng COVID-19 infection. Iyan po ang iwasan natin, kaya bakunahan natin ang mga senior citizens sa lalong madaling panahon,” giit ni Sec. Duque.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.