Pumirma ang Moderna, Inc. ng kasunduan sa bansa upang magsuplay ng 13 milyong doses ng COVID-19 vaccine na inaasahang darating sa kalagitnaan nitong taon.
Handa namang makipag-ugnayan ang Moderna, Inc. sa Food and Drug Administration ng bansa upang maaprubahan ang emergency use authorization nito bago maipamahagi sa publiko.
“Nagkaroon na ng marathon meetings… iyong bilateral agreement na 13 million at 7 million na multilateral agreement kasi tinitingnan ang [private groups], national government, and also some LGUs, kailangan maayos. ‘Yung bilateral for signing na hinihintay ‘yung final draft, yung private sector most likely sa Tuesday maayos,” ulat ni Vaccine Czar Carlito Galvez, Jr.
Bukod pa rito, mayroon ding multilateral agreement ang Moderna sa pribadong sektor para sa karagdagang pitong milyong doses ng bakuna na inaasahang mapipirmahan na sa susunod na linggo.
“We thank the Government and the private sector for their collaboration to bring the COVID-19 Vaccine Moderna to the Philippines. We appreciate the confidence in Moderna, and our mRNA platform demonstrated by the Government of the Philippines. We remain committed to making our vaccine available on every continent to help end this global pandemic,” pahayag ni Moderna Chief Executive Officer Stéphane Bancel.
Sa impormasyong nakalap mula sa World Health Organization, tinatayang aabot sa 92 porsyento ang efficacy rate ng bakunang gawa ng Moderna.