NAAAGNAS NA BANGKAY NG 10-TAONG BATANG BABAE ITINAGO SA PINAGPATUNG-PATUNG NA MGA BATO PANGGAGAHASA TINITINGNANG ANGGULO SA KASO

Ni T.A.
Photo: Talisay City Police Cebu PPO PRO7
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Inaalam na ngayon ng PNP kung posibleng ginahasa ang isang 10 taong gulang na batang babae na natagpuang inaagnas sa loob ng isang kweba sa Talisay City, Cebu nitong Enero 9.

Itinangkang itago ang bangkay ng biktima gamit ang pinagpatung-patong na mga bato.

Nagpaalam lang diumano ang biktimang maliligo sa ilog ngunit hindi na bumalik.

Nakatanggap ng tawag ang Talisay City PS mula sa isang concerned citizen na nagturo sa kinaroroonan ng katawan ng biktima.

Natagpuan diumano ang bangkay dahil sa sumisingaw na amoy sa loob ng kweba.

Hinala ng mga kaanak nito, ginahasa ang biktima ng isang grupong nakita diumano sa may ilog sa mga huling oras nito.

Nangako naman ang PNP ng hustisya para sa menor de edad.

“A complete forensic investigation is underway to assist Talisay City Police in the investigation, including post mortem investigation to determine if indeed the victim was sexually abused,” pahayag ni PNP Chief, PGEN Dionardo Carlos.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.