LUNGSOD NG QUEZON — Mananatiling activated ang National Response Clusters para kay Typhoon Ulysses habang patuloy ang monitoring at response ng grupo sa mga apektado ng Super Typhoon Rolly.
Sa ipinalabas na Memorandum No. 99, s. 2020 ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, tatakbo ng 24/7 ang virtual coordination center ng Cluster na aayusin ng Office of the Civil Defense (OCD) kapalit ng Emergency Operations Center para iwas sa COVID-19.
Ang mga cluster leads ng mga sumusunod ay inaatasang gamitin ang lahat ng communication channels at regular na magsumite ng report ukol sa bagyo araw-araw ng alas-sais ng umaga sa Vice-Chair ng Response Cluster, Department of Social Welfare and Development (DSWD), at OCD: Food and Non-Food Items (DSWD); Camp Coordination and Camp Management (DSWD); Internally Displaced Persons Protection (DSWD); Health (Department of Health); Logistics (OCD); Emergency Telecommunications (Department of Information and Communications Technology); Education (Department of Education); Management of the Dead and Missing (Department of the Interior and Local Government); Law and Order (Philippine National Police); at Search, Rescue, and Retrieval (Armed Forces of the Philippines).