‘NO VACCINE, NO PARTICIPATION’ POLICY, IPINATUPAD NG ORGANIZERS NG SEA GAMES

Ni Monica N. Ladisla
Source: PIA
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Ipinatupad ng organizers ng 31st Southeast Asian (SEA) Games sa Hanoi, Vietnam ang “no vaccine, no participation” policy para sa mga lalahok na mga atleta.

Sa pahayag ni Philippine Olympic Committee President Abraham “Bambol” Tolentino, inanunsyo ng Vietnam SEA Games Organizing Committee ang bagong polisiyang ito sa naganap na SEA Games Federation meeting nitong Martes, Mayo 18.

Sa naganap na pagpupulong, tiniyak ng organizers na tuloy ang SEA Games na gaganapin ngayong Nobyembre 21 hanggang Disyembre 2 subalit aniya, kailangang masiguro ng bawat bansang lalahok na bakunado ang manlalarong ipapadala sa kanilang bansa.

Sang-ayon naman si Tolentino sa polisiyang ito ng organizers sa Vietnam at aniya, “Their policy is for the good of everyone.”

Dahil dito, agad umanong nakipag-ugnayan si Tolentino sa Inter-Agency Task Force upang agad na mabakunahan ang mga kinatawan ng bansa sa SEA Games, partikular na ang mga atleta at tagapagsanay ng mga ito.

“Most of the athletes from our Southeast Asian counterparts are already vaccinated, and we’re the only country that is left behind. But, we already wrote to the IATF to prioritize the SEA Games-bound delegates. We’re ready to take any vaccine [brand],” pahayag ni Tolentino.

Kaugnay nito, nakatanggap na umano ang National Sports Associations sa bansa na kilalanin ang mga atletang kailangang mabigyan ng bakuna.

Ayon kay Tolentino, “Before we fly to Vietnam, everyone should be vaccinated. Or better yet, before the NSAs start training their athletes face-to-face.” 

Nakatanggap na rin umano ang POC ng $40,000 grant mula sa Olympic Council of Asia upang magamit sa pagbili ng bakuna ng mga atleta.

Sa kasalukuyan, sina Eumir Felix Marcial at Hidilyn Diaz, parehong kinatawan ng bansa sa Tokyo Olympics, ang tanging mga Pilipinong atletang nabakunahan pa lamang.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.