NO VAX, NO RIDE NAKAAMBANG IPATUPAD SA METRO MANILA

Ni M.L.
Source: PNA
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Nakatakda umanong ipatupad ng Department of Transportation ang “no vaccination, no ride” policy para sa mga pampublikong sasakyan sa Metro Manila na kasalukuyang nasa alert level 3.

Ayon sa department order na inaprubahan ni Transportation Secretary Arthur Tugade, “All concerned attached agencies and sectoral offices of DOTr are directed to ensure that operators of public transportation shall allow access or issue tickets only to ‘fully vaccinated persons’ as evidenced by a physical or digital copies of an LGU (local government unit)-issued vaccine card, or any IATF-prescribed document, with a valid government issued ID with picture and address.” 

Exempted naman ang mga sumusunod sa naturang ordinansa:

  • Mga indibidwal na mayroong medical condition na naglilimita sa mga ito na makakuha ng COVID-19 vaccine ayon sa nakasaad sa medical certificate ng mga ito na mayroong pirma at contact details ng kanilang doktor.
  • Mga indibidwal na bibili at magsasagawa ng essential goods and services at mayroong barangay health pass o iba pang katibayan na makapagpapatunay sa kahalagahan ng kanilang paglabas.

Sakop umano ng naturang department order ang domestic travel papunta at galing sa Metro Manila kabilang na ang mga tren, eroplano, at barko.

Nakasaad din dito na kailangang siguruhin ng mga transportation companies sa probinsya na mga fully-vaccinated passengers lamang ang mabibigyan ng ticket papuntang Metro Manila. 

Nauna nang nagbigay ng direktiba si Pangulong Rodrigo Duterte na limitahan ang galaw ng mga hindi pa bakunado sa Metro Manila kasunod ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa lugar.

Magiging epektibo umano ito matapos mailathala sa Official Gazette o tatlong pahayagan at mabigyan ng kopya ang Office of the National Administrative Register sa UP Law Center.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.