NPA, INAMBUSH ANG AID CARAVAN SA OCCMIN, 3 PULIS PATAY, 9 SUGATAN

Ni Trish Alcantara
Photo: The Chief’s Media Friends
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Nagresulta sa tatlong patay na pulis at siyam pang sugatan ang diumano’y pinakabagong ambush na isinagawa ng NPA nitong Mayo 28 bandang 10:30 a.m. sa Sitio Banban Brgy. Nicolas Magsaysay, Occidental Mindoro.

Sa siyam na sugatan, anim ang sumasailalim pa sa treatment habang lumabas na ng ospital ang tatlo pa.

Ineeskortahan diumano ng mga pulis ang convoy ng isang gobernador na naghatid ng tulong sa liblib na barangay nang nangyari ang insidente.

Mariin namang kinondena ni PNP Chief PGEN Guillermo T. Eleazar ang naging pag-atake na ito ng mga rebeldeng komunista.

“These terrorists really do not know the concepts of peace and humanity as even in this time of a public health emergency, they continue their cowardly attacks against state forces and even innocent civilians,” pahayag ng PNP Chief.

Nakikiramay rin ang PNP Chief sa mga pamilya ng tatlong nasawing pulis at nangako ng hustisya para sa mga ito.

“Hindi natin palalagpasin ang ginawa ng mga teroristang ito. Patuloy natin silang tutugisin para panagutin sa kanilang karahasan at hindi na makapanggulo sa ating mga komunidad,” paniniguro ng hepe ng pulisya sa pagbisita nito noong Mayo 29 sa probinsya para personal na makiramay sa mga pamilya ng mga napatay na pulis at dalawin ang mga sugatan pa.

Ginawaran din ng Medalya ng Kadakilaan at Medalya ng Sugatang Magiting ang mga pulis na nakipag-engkwentro sa naging pananambang ng NPA.

Sa kasalukuyan, gumugulong na ang manhunt operations ng mga pulis at militar sa mga teroristang responsable sa naganap na ambush. Iniutos na rin ni PNP Chief Eleazar sa Occidental Mindoro PPO ang mas pinaigting na operasyon laban sa NPA.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.