NPC nagbabala kontra SCAM TEXTS NA NAG-AALOK NG TRABAHO

Ni R.F.C.
National Privacy Commissioner Raymund Liboro, Photo courtesy of pna.gov.ph
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

“Hindi lamang nangyayari sa Pilipinas, maging sa ibang bansa. At ito po ay ginagawa po ng isang organized syndicate kaya mag-ingat po tayong lahat.”

Ito ang babala ni National Privacy Commissioner Raymund Liboro sa publiko laban sa kamakailan lamang ay paglaganap ng text messages na nag-aalok ng mga trabaho o gantimpala na hindi kapani-paniwala o aniya ay “too good to be true”.

Ani Commissioner Liboro, dapat na i-block agad ang nagpadala ng naturang mensahe dahil ang pakikipag-ugnayan aniya sa mga ito, lalo na ang pagbibigay ng sensitibong impormasyon tulad ng pagkakakilanlan at bank details ng isang indibidwal, ay maaaring humantong sa kapahamakan.

Bagama’t dumarami ang nakakatanggap ng nasabing text messages sa gitna ng pandemya, sinabi ni Liboro na wala namang ebidensya na nagpapatunay na ang mobile numbers at iba pang mga personal na impormasyon na ginagamit ng mga scammer ay nagmumula sa contact tracing forms.

“Malalaking database po ang ginagamit nila dito. Maaaring nanggaling po iyan doon sa mga dati hong na-breach o na-hack. Ginagalugad na rin natin iyong dark web dito,” pahayag ng opisyal ng National Privacy Commission (NPC).

Para makaiwas na maging target ng katulad na scams, nagbabala ang Commissioner ng NPC laban sa pagbibigay ng mga personal na impormasyon sa mga hindi pinagkakatiwalaang mga indibidwal o grupo.

Dagdag pa ni Liboro, maigi rin aniyang basahing mabuti ang terms o conditions ng mga kumpanyang humihingi ng naturang mga datos.

“Maaaring sumasang-ayon kayo na gawing public itong mga impormasyon na iyon, iyan po ay nai-scrape, nakakayod ho sabi nga at nagagamit po sa hindi tama,” paliwanag ng pinuno ng NPC.

Nagbabala rin si Liboro sa mga scammer na ang hindi awtorisadong pangongolekta at pagproseso ng mga personal na datos ay paglabag sa Data Privacy Act of 2012 at maaaring humantong ito sa pagkakakulong ng mula anim na buwan hanggang dalawang taon o pagmumulta ng mula P500,000 hanggang P2 milyon.

Nanawagan din ang opisyal sa mga nabiktima ng naturang scams na makipag-ugnayan at humingi ng tulong sa kani-kanilang telecommunications service provider, sa NPC, at sa National Telecommunications Commission tungkol sa naturang isyu.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.