Bultu-bultong ilegal na ukay-ukay na nagkakahalagang PhP3.2-milyon ang nasabat ng Bureau of Customs-Manila International Container Port Enforcement and Security Service (BOC-MICP ESS) nitong Marso 24 sa isang inspeksyon sa Malibay, Pasay.
Hindi pa kilala ang nagmamay-ari ng bultu-bultong mga damit ngunit tinitingnan na ng ahensya ang pagsasampa ng kasong paglabag sa Sec. 1400 ng RA 10863 o Customs Modernization and Tariff Act.
Pangalawa na ang mga ukay-ukay sa nasabat ng MICP ngayong linggo. Nauna nang nakumpiska nitong Marso 23 ang PhP48-milyong halaga ng smuggled cigarettes galing Tsina na idineklara diumanong karton, bisikleta, at lamesa.
Patuloy ang pagpigil ng BOC-MICP sa mga ilegal na pagpasok ng mga kalakal sa bansa para matulungang maiangat ang ekonomiya mula sa epekto ng COVID-19.