Inanunsyo ni San Miguel Corp. (SMC) president and COO Ramon Ang ang pagtatapos ng konstruksyon ng Metro Manila Skyway Stage 3 noong weekend.
May haba itong 17.93 kilometers na nagdudugtong sa Southern at Northern Luzon.
Sa Oktubre 31 pa kasi sana itong nakatakdang matapos dahil na rin sa pagkakaantala dulot ng pandemya.
“I’m happy to announce that the whole structure of Skyway 3 is now complete. With this, Skyway 2 in Buendia is now officially extended all the way to the North Luzon Expressway,” sabi ni Ang.
“After many challenges this project faced in previous years, the dream of connecting north and south and providing an alternative to EDSA is now a reality,” dagdag pa nya.
Sa pamamagitan ng Skyway Stage 3, ang tatlong oras na biyahe mula sa SLEX hanggang NLEX ay magiging 20 minuto na lamang.
Ang biyahe naman mula Magallanes hanggang Balintawak, 15 minuto na lamang.
Ang biyahe naman mula Balintawak hanggang Ninoy Aquino International Airport ay magiging 15 minuto na lamang habang ang Valenzuela hanggang Makati ay magiging 10 minutong biyahe na lamang.
Pero nilinaw ni Ang na hindi pa ito agad mabubuksan sa publiko dahil tuluy-tuloy pa rin ang paglalatag ng aspalto na naantala naman ng sunud-sunod na pag-uulan.
“We’re very excited to open Skyway 3 to the public. We just have to wait for the weather to improve so we can make sure that the asphalt will cure properly. That and a few more finishing touches are all that’s needed, and then we can open, soon,” sabi ni Ang.