Mas mapapadali na ang pagdaan sa quarantine control points o checkpoints ng PNP sa regional at provincial boundaries dahil sa Safe, Swift and Smart Passage (S-PASS) Travel Management System na binuo ng DOST.
Magsisilbing one-stop-shop ang naturang teknolohiya na gagamitin ng IATF-MEID para sa locally stranded individuals (LSIs), returning overseas filipinos (ROFs), emergency travelers (ETs), at iba pang essential travelers ngayong health crisis.
Hindi lang makakapagproseso online ng travel authority ang local travelers kundi paraan din ang teknolohiya para makapagtala ang LGUs real time ng impormasyon ng mga nagsisipagbyahe o nagsisipaglabas-masok sa kani-kanilang teritoryo.
“The PNP welcomes the development of this local mobility feature as a tool which integrates the processing system for the issuance of Travel Pass-Through Permit or TPP and Travel Coordination Permit or PCP, Travel Authorities and QR codes which quickly generates real-time reports needed,” pahayag ni PNP Chief Police General Debold M. Sinas sa virtual launching ceremony ng app nitong Marso 26.
Sinabi ng PNP chief na alinsabay nito, sisiguruhin ng police deployment ang istriktong pagsunod ng publiko sa minimum public health and safety protocols.
Para magamit ang S-PASS, magrehistro at bisitahin ang s-pass.ph. Maaari ring kumuha ng impormasyon sa FB page: spassph.
Para sa mga katanungan, maaaring kontakin ang 0939 606 7375 at 0998 535 4217.