PALASYO IGINIIT NA PANSAMANTALA LAMANG ANG ITATAYONG VACCINATION SITE SA NAYONG PILIPINO

Ni Monica N. Ladisla
Source: Nayong Pilipino Foundation
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Nilinaw ni Presidential Spokesperson Harry Roque na pansamantala lamang ang itatayong makeshift tents sa Nayong Pilipino Foundation (NPF) grounds upang maging vaccination facility.

Ani Sec.Roque, tulad ng tents na kasalukuyang ginagamit sa quarantine facilities ang balak itayo ng pamahalaan sa lugar.

“‘Yung itatayo sa Nayong Pilipino, makeshift ‘yan, hindi ‘yan permanente. Parang mga tent lang din ‘yan parang ‘yung mga ginawa rin na mga tent facilities para ginagamit na COVID-19 isolation diyan sa Nayong Pilipino na lupain din sa reclamation area,” paglilinaw ni Sec. Roque.

Dagdag pa niya, “Ito naman ay hindi magiging permanente. Ito ay para lang maibsan itong problema sa pandemya, at kapag nabakunahan na ang karamihan sa ating mga kababayan, magtatapos na rin ang ating problema sa COVID-19.”

Dahil dito, iginiit muli ni Sec. Roque ang panawagan ng Palasyo sa NPF na huwag nang hadlangan ang planong pagtatayo ng vaccination facility sa lugar.

“So, pakiusap lang sa Nayong Pilipino board, sana naman ‘wag kayong sumuway doon sa programa ng Presidente na makamit ang herd immunity at payagan na magtayo ng mega vaccination facility diyan sa Nayong Pilipino,” ani Sec. Roque.

Matatandaang kinundena ng NPF ang pagtatayo ng mega vaccination site dahil maaapektuhan umano ang 500 puno sa lugar.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.