PALASYO KUMPIYANSA SA KAHANDAAN NG ISRAEL EMBASSY, OWWA SA GITNA NG TENSYON

Ni Monica N. Ladisla
Source: PNA
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Kumpiyansa ang Palasyo na handa ang embahada ng bansa sa Tel Aviv maging sa Overseas Workers Welfare Administration para sa anumang sitwasyon na maaaring mangyari kasunod ng tumitinding girian sa pagitan ng mga Israelis at mga Palestinians.

Sa isinagawang press briefing kahapon, Mayo 13, inilahad ng embahada at ng OWWA na pamilyar na umano sila sa protocol na kailangang isagawa sa mga ganitong sitwasyon kung saan apektado ang overseas Filipino workers.

“So, hinahanda na po iyong posibleng repatriation at binibigyan na po sila ng warning na kung pupuwede po ay iyon nga po, mag-ingat dahil dito sa mga pag-iinit ng mga pangyayari diyan sa Israel ‘no at sa Occupied Territory,” pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque.

Kung kinakailangan umano, susunduin mismo ng gobyerno ang mga Pilipinong maiipit sa hidwaan ng dalawang bansa.

“Bihasa na po ang ating mga embahada at ang ating OWWA pagdating sa mga kaguluhan kung saan naroroon ang ating mga kababayan,” ani Sec. Roque.

Samantala, nanawagan naman ang embahada ng Pilipinas sa Israel sa mga Pilipinong naroroon na sumunod sa direktiba ng Israel Defense Forces at ng mga lokal na otoridad doon upang masiguro ang kanilang kaligtasan.

“We call all overseas Filipino workers (OFWs) who are in Israel to listen to the safety instructions, and strictly follow the directives of IDF Home Front Command. Israel is obligated for the safety of its citizens and non-citizens, among them are 30,000 OFWs, students and diplomats, and it has been proven that the directives from the security forces and IDF Home front Command save lives,” pahayag ng embahada ng bansa sa Israel.

Sa datos na nakalap mula sa Department of Foreign Affairs mula noong Hunyo 2020, mayroong naitalang 30,000 Pilipino sa bansang Israel.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.